Noong huling lingo ng Pebrero, 2022 ay nabisita ng CBCS ang isang Moro community ng Barangay San Pedro, lunsod ng Pagadin, Zamboanga del Sur. Nadaanan natin ang dalawang batang Moro, na naghihintay sa kanilang nanay na noon ay nagbibinta ng isda sa Agora Public Market, Pagadian City. Sila ay matamlay ngunit nakangiti parin. Umaasa na habang may buhay may pag-asa.
Ang mga bata ay sinasabing ang pag-asa ng bayan, kaya mahalaga ang kanilang kinabukasan. Mahalaga na ang kanilang paglaki ay sinusuportahan ng pamilya, ng mga lider at ng pamahalaan.
Ang problemang kahirapan ay common na problemang kinakaharap ng taong bayan maging Moro man, Kristianos at Katutubo, bata man o matanda, kahit saan man nakatira, ang kahirapan ay nararanasan. Maraming nagsasabi na sa ngayon ang mga mayayaman ay lalong yumaman habang ang mga mahihirap ay lalong naghirap. Bakit kaya? Ano ang karampatang solusyon.
Dahil sa kahirapan maraming mga kabataan ang di nakapag-aral na siyang isa sa mga dahilan sa maagang pag-aasawa at naging dagdag na dahilan kung bakit mas lalong naghirap ang karamihan. Ang Sistema ng ating lipunan, gaya ng di pantay ng distribution of wealth and opportunity, ang umiiral na diskriminasyon, kakulangan sa respeto sa kapwa tao, patuloy na pagyurak sa karapatang pantao, kakulangan sa pagkakaisa, umiiral na problemang korapsyon ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit patuloy nating kinakaharap ang problemang kahirapan o poverty.
Lahat tayo ay umaasa na sana matuldukan na o ma minimize man lang ang kahirapan alang alang sa kinabukasan ng ating mga kabataan. Ito ay mangyayari lamang “Insha Allah” kung ang ating mga lider ay may malawakang pag-iisip, may magandang programa para sa bayan at prinsipyong Moral Governance. Ang bawat isa ay may karapatang mabuhay at may responsibilidad na dapat gampanan. Working together ay mas kailangan, higit sa lahat corruption ay dapat wakasan.
by:
Mohaiya S. Pua
CBCS Are Coordinator for
Sibugay Cluster
Recent Comments